Hinikayat ng Commission on Human Rights (CHR) ang gobyerno na itaas ang daily food at medicine allowances sa mga persons deprived of liberty (PDLs) upang matiyak ang makataong kalagayan ng pamumuhay para sa mga ito.
Ipinahayag ng CHR ang buo nitong suporta sa panukala ng Bureau of Jail Management and Penology’s (BJMP) na itaas ang P70 ang daily food budget at P15 medicine budget para sa bawat PDL.
Ang daily allocation ay nananatiling hind nagbabago simula noong 2022.
Ipinanukala ng BJMP ang isang daily food budget na P100 at medicine budget ng P30 kada PDL.
Sa pagsuporta sa panukala ng BJMP, tinukoy ng CHR ang Artikulo 7 at 10 (Part III) ng International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR), na nagsasaad na ang PDLs ay dapat na tinatrato ng makatao at may paggalang para sa diginidad ng isang indibiduwal.
Sinasabi pa nito na minandato ng Artikulo 10 na ang correctional systems ay dapat na dinisenyo para i-rehabilitate at tumulong sa reintegration ng mga bilanggo.
Para naman sa CHR, kinumpirma nito ang kanilang commitment na itaguyod ang karapatan at kapakanan ng PDLs, dahil naniniwala ito na ang “a humane approach to incarceration is crucial to genuine rehabilitation and social reintegration.