
Tataas ang pinapayagang fuel surcharge ng mga airline para sa domestic at international flights mula Nobyembre 1 hanggang 15, ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB).
Itinaas sa Level 17 ang fuel surcharge mula sa dating Level 16, na nangangahulugang maaaring umabot sa ₱1,635 ang dagdag-singil sa domestic flights at ₱13,726.58 naman sa international flights, depende sa layo ng biyahe.
Mas mataas ito kumpara sa dating singil na hanggang ₱1,535 para sa domestic flights at ₱12,891.29 para sa international flights.
Ang fuel surcharge ay karagdagang bayarin bukod sa base fare upang makatulong sa pagsagot sa gastusin sa gasolina ng mga airline.










