Isang pambihirang tanawin ang nasaksihan kamakailan ng mga mangingisda sa Pamplona, Cagayan matapos silang makahuli hindi lamang ng isda, kundi pati na rin ng napakaraming asul na jellyfish na lokal na tinatawag na “lulu.”

Ayon sa ulat, karaniwan nang lumilitaw ang mga jellyfish na ito sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo sa nasabing lalawigan.

Bagama’t madalas asul ang kulay ng mga ito, maaari rin silang maging puti o kayumanggi depende sa uri ng algae na kanilang kinakain.

Ayon sa isang marine biologist, bagaman karaniwang banayad ang sting ng mga “lulu,” maaari pa rin itong magdulot ng pangangati at rashes, lalo na kung sa sensitibong bahagi ng katawan tumama.

Ang payo niya para sa agarang lunas ay ang paglalagay ng suka sa apektadong bahagi ng balat sa loob ng 15 segundo.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa niya, ang biglaang pagdami ng mga jellyfish ay posibleng senyales ng ecological imbalance o kakulangan ng natural predators sa karagatan.