TUGUEGARAO CITY- Kasalukuyan ang isinasagawang “Dagyaw” sa Cagayan State Univesrity- Andrews Campus, Tuguegarao City.
Ang “”Dagyaw” ay hango sa salitang Hiligaynon na ang ibig sabihin ay bayanihan.
Sinabi ni Ruperto Maribbay, director ng Department of Interior and Local Government na layunin ng nasabing aktibidad na maipaalam sa mga local government units at sa mga mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga government agencies.
Ayon kay Maribbay ano man ang mga best practices na makukuha sa nasabing aktibidad ay maaaring kopyahin ng mga LGUs upang maayos na maiparating ang mga serbisyo sa kanilang nasasakupan.
Sinabi pa niya na magsisilbi rin itong forum upang maiparating din ng mga LGUs at ng iba pang stakeholders ang kanilang mga karanasan o nais na maipatupad sa kanilang lugar o sa kanilang hanay upang matugunan ito ng mga kaukulang ahensiya ng gobyerno.
Ang pagsasagawa ng “Dagyaw” sa bawat rehion sa buong bansa ay bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.