Naaresto ang dalawang menor de edad na sangkot sa brutal na pagpatay sa 19-anyos na si Sophia Marie Coquilla sa loob ng kanilang bahay sa Tagum City, Davao del Norte.
Ayon sa pulisya, pinasok ng apat na suspek ang bahay ng biktima at sinaksak ito nang 38 beses.
Dead-on-the-spot ang dalaga habang natangay ng mga salarin ang ilang gadget, dalawang relo, at pera.
Inaalam pa kung paano nakapasok ang mga suspek, na posibleng namang dumaan sa sliding window sa likurang bahagi ng bahay.
Batay pa sa initial report, walang narinig na ingay ang mga magulang ng biktima na nasa kabilang kuwarto nang mangyari ang krimen.
-- ADVERTISEMENT --
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon at ang paghahanap sa dalawa pang kasabwat.