Arestado na ang dalawa sa apat na suspek sa panggagahasa sa isang menor de edad na babae sa bayan ng Claveria.

Bukod sa kasong statutory rape, may 2 counts pa ang dalawa sa kasong Sexual Assault in relation to RA 7610 o Anti-Child Abuse Law at 2 counts din sa paglabag sa RA 11930 o Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act ang kasong isinampa laban kina alyas “Steve”, 19-anyos at alyas “Juan”, kapwa 18-anyos, college student at residente sa naturang bayan dahil sa pagmomolestiya sa isang 15 anyos na menor de edad.

Ayon kay PMAJ Mario Maraggun, hepe ng PNP-Claveria, ang panggagahasa sa 15-anyos na biktima ay nangyari noong nakaraang taon kung saan pinaghahanap na rin ng pulisya ang dalawang iba pa na kasamahan ng naunang dalawang nahuling suspek.

Ang kaso ay inihain ng Commision on Human Rights kung saan unang nagreklamo ang biktima.

Sa ngayon ay patuloy na sumasailalim sa rehabilitation treatment ang biktima dahil sa epekto ng pangyayari sa kanya.

-- ADVERTISEMENT --