TUGUEGARAO CITY- Nasa stable condition ang dalawang nadagdag sa 15 na confirmed cases ng covid-19 sa Region 2.

Sinabi Dr. Leticia Cabrera, OIC regional director ng Department of Health Region 2, si PH2268,35 taong gulang ,babae at mula sa Tuao Cagayan ay galing ng Hongkong nang makaramdam ng ubo, sipon at lagnat.

Si PH2271 naman ,71 ,lalaki ay isang Filipino pero American citizen na sa California na dumating sa bansa ng March 4, namasyal sa ilang parte ng Manila, sa Vigan at Pagudpud sa Ilocos bago pumunta sa Tuguegarao City.

March 15 nang magpakonsulta siya sa isang private hospital dahil sa ubo,sore throat at hirap sa paghinga subalit ini-refer siya sa CVMC na siyang tumatanggap ng mga suspected covid-19 patient.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabuuang 17 COVID- 19 patients ay anim sa mga ito ang nag-negatibo na sa ikalawang swab test na kinabibilangan nina: PH661-39 y/o,Male, Tuao, Cagayan PH837-52 y/o , Female,Alicia Isabela PH840-27 y/o, Male,Alicia Isabela PH893-73 y/o ,Female,Tuguegarao City PH1261-27 y/o, Male ,Bayombong Nueva Vizcaya PH275 -44y/o, Male ,Tuguegarao City.

Isa naman ang naitalang namatay mula sa Nueva Vizcaya.

Samantala, Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, pito sa 16 na persons under investigation o PUI sa nasabing pagamutan ang nag-negatibo sa Covid 19.