Inaresto ng mga awtoridad ang dalawa pang suspek sa pagdukot at pagpatay kay Chinese businessman Anso Que, na kilala din na si Anson Tan sa Boracay.
Ang dalawang suspek na mga dayuhan ay naaresto ng pwersa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group.
Isasailim ang dalawang pinakahuling suspek sa debriefing ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG).
Kasunod nito ay ipapasamay sila sa Bureau of Immigration para sa inquest bilang undesirable aliens.
Una rito, sinabi ng isa unang nahuling suspek na si David Tan Liao, na ang anak ni Que na si Ronxian Guo o Alvin Que ang nag-utos sa pagdukot at pagpatay sa kanyang ama.
Matatandaan na dinukot si Que at ang kanyang driver noong March 29 at nakita ang kanilang mga labi noong April 9 sa gilid ng kalsada sa Rodriguez, Rizal na nakalagay sa nylon bag at nabalutan ang kanilang mga mukha ng duct tape.