TUGUEGARAO CITY- Ngayon pa lang ay paghahandaan na umano nina Ernie John Clores ng San Pablo City, Laguna at Jose Fuentes ng Cebu ang kanilang pagtatanghal para sa Bombo Music Festival matapos na makapasok bilang finalist sa nasabing kompetisyon.

Sinabi ni Clores na noong una ay hindi siya Na niwala na nakapasok ang kanyang kanta na “Sabi Ko Naman Sa ‘Yo” bilang finalist sa BMF

Ayon sa kanya, ang kanta ay mula sa wedding vow ng kasama niyang gumawa ng nasabing kanta.

ang tinig ni Clores

Sinabi naman ni Jose Fuentes ng Cebu na umaasa siya na sa pagkakataomg ito ay manalo na ang kanyang entry na “LDR” o “Long Distance Relationship”.

Matatandaan na nakapasok bilang finalist ang kanyang entry na “Panumpa” nitong 2018 BMF.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, ginawa niya ang kanta dahil alam niya na marami ang makaka-relate dito.

si Fuentes