Tuguegarao City- Sugatan ang dalawang indibidwal sa banggaan ng dalawang motorsiklo na sinasakyan ng mga ito sa Brgy. Centro 1, Sta. Praxedes, Cagayan.

Kinilala ang mga sugatan na sina Cathy Grace Carbonel, 25 anyos,[back rider] mula sa Gattaran, Cagayan at si Edgar Bumanglag, 41 anyos, at isang security guard.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PSSG Cromwel Jones Cumlat,imbestigador, binabaybay umano ng isang Christian Jay de Guzman ang kahabaan ng national highway sa nasabing lugar angkas si Carbonel ng makasalubong nito si Bumanglag sa pakurbang bahagi ng daan.

Ayon kay Cumlat, hindi umano napansin ni De Guzman ang minamanehong motorsiklo ni Bumanglag na nagresulta sa banggaan ng mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Agad isinugod sa pagamutan ang dalawang sugatan para sa kaukulang lunas.