Aabot sa P17,000 ang halaga ng dalawampung pirasong kahoy na may habang 250 board feet ang nakumpiska sa Sitio Borattok, Brgy.Ipil, Gonzaga.

Kinilala ni PCPL Albert Andres imbestigador ng PNP Gonzaga ang dalawang suspect na sina Alyas Marmar, 36 ayos at alyas Roy, 32 anyos na kapwa magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Una rito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad mula sa concern citizen na mayroong ilang indibidwal ang nagsasaga ng illegal na pangangahoy sa lugar.

Agad naman na nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad kung saan naaktuhan ang dalawang supect na may dala dalang dalawang klase ng kahoy ng Red at White Lauan lulan ng kariton na hila hila ng isang kalabaw.

Galing umano ang mga nasabing kahoy sa bulubunduking bahagi ng nasabing barangay at gagamitin sana sa kanilang tahanan.

-- ADVERTISEMENT --

Bigo namang magpakita ng kakukulang dokumento ang mga suspects at mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705.