
Bumagsak ang dalawang US Navy aircraft sa South China Sea sa magkahiwalay na insidente kahapon.
Wala namang naiulat na nasawi sa nasabing mga insidente.
Ayon sa pahayag ng Pacific Fleet ng US Navy, ang unang bumagsak ay ang MH-60R Sea Hawk helicopter sa katubigan ng South China Sea habang nagsasagawa ng routine operations mula sa aircraft carrier USS Nimitz.
Nailigtas naman ang tatlong crew members ng helicopter ng search and rescue teams.
Matapos ang kalahating oras, sinabi ng Navy, bumagsak naman ang Boeing F/A-18F Super Hornet fighter jet sa South China Sea, habang nagsasagawa rin ng routine operations mula sa USS Nimitz.
Ayon sa Navy, ligtas ang dalawang sakay ng helicopter.
Sinabi ng US Navy na patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon sa nasabing dalawang insidente.
Ang dalawang insidente ay nangyari habang nasa rehion si US President Donald Trump, sa kanyang unang pagbisita sa Asia sa kanyang ikalawang termino, at habang naghahanda si Defense Secretary Pete Hegseth sa kanyang multi-country Asian tour.









