Dalawang magkahiwalay na arms cache ang matagumpay na nadiskubre ng mga yunit ng Philippine National Police sa Cagayan sa tulong ng mga dating rebelde na boluntaryong nagsiwalat ng lokasyon ng mga ito.

Noong Abril 25, 2025, isang operasyon ang isinagawa sa Sitio Bigoc, Barangay Alucao, Sta. Teresita, Cagayan, kung saan nakuha sa masukal na lugar ang iba’t ibang pampasabog, mga bala, granada, ilang parte ng armas, IED components at ibang kagamitan ng Communist Terrorist Group.

Nasa pangangalaga na ngayon ng Cagayan Provincial Explosive and Canine Unit ang mga nasabing bagay para sa tamang dosposisyon.

Ang isa pang arms cache ay nadiskubre ng mga awtoridad sa Barangay Carupian, Baggao, Cagayan noong April 26.

Nakita sa lugar ang mga pampasabog, mga bala, improvide explosive devices, ilang parte ng armas, mga gamot, mga dokumento, at iba pang kagamitan.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni PCOL Mardito Anguluan, director ng PNP Cagayan, ang matagumpay na mga operasyon ay patunay ng epektibong ugnayan ng kapulisan sa mga dating rebelde.