Binabantayan ang kalagayan ng dalawang atleta ng Lambak ng Cagayan na kalahok sa Palarong Pambansa sa Cebu dahil sila ay nilalagnat.

Sinabi ni Ferdinand Narciso, sports officer ng Deparment of Education Region 2 na unang nakaranas ang dalawang atleta at dalawang sports officials ng pananakit ng tiyan nitong nakalipas na mga araw na posibleng dahil sa kinain nilang seafoods sa tabing-dagat sa Cebu.

Ayon sa kanya, nasa isolation area ang nasabing mga atleta at sinusubaybayan ng mga doctors at nurses ang kanilang sitwasyon upang matiyak na makakalahok pa rin sila sa kanilang laro.

Umaasa si Narciso na hindi dengue ang sakit ng dalawa, matapos na isa sa mga atleta ang kumpirmadong may dengue.

Ayon sa kanya, maraming lamok kasi sa kanilang billeting quarter sa San Nicolas Elementary School kaya humiling sila ng magsagawa ng fogging.

-- ADVERTISEMENT --