TUGUEGARAO CITY-Nahaharap sa kasong estafa at falsification of public documents ang dalawang babae matapos pagbentahan ng pekeng titulo ng lupa ang isang inhinyero sa lungsod ng Tuguegarao.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Tessie Mangabat, residente ng Brgy. Dos, Claveria at sa Brgy.

Guitnang Bayan I, San Mateo, Rizal kasama si Rebecca Allayban, residente naman ng Brgy. Annafunan East,

Tuguegarao City.

Ayon kay atty. Gelacio Bongngat, regional director ng National Bureau of Investigataion(NBI)-Region 2,

-- ADVERTISEMENT --

dumulog sa kanilang tanggapan ang biktima na si Engr. Ferdinand De leon, 61-anyos ng Brgy. San Gabriel

dito sa lungsod nang kanyang malaman na peke ang naibigay sa kanyang titulo ng lupa na ibinenta ni

Mangabat.

Bago nito, nagpakilala si Mangabat kay De Leon sa pangalang Minda Planta-Villa at

sinabing kapatid siya ng may-ari ng lupang ibinebenta na si Dionisio Planta.

Naniwala ang biktima sa suspek dahil sa mga dokumento na kanyang ipinakita tulad ng titulo ng

dalawang parcel ng lupa na kanyang bibilhin na matatagpuan sa Barangay Carig at mayroon din umanong

dalawang special power of attorney na nagsasabing pinapahintulutan ang suspek na ibenta ang lupa dahil

ang nagmamay-ari nito ay may sakit at kasalukuyang nasa pagamutan.

Nakapagbigay ang biktima ng P460,000 bilang paunang bayad mula sa kanilang usapan na P800,000, nang

isang hindi na pinangalanang indibidwal ang nagpaabot sa biktima na ang suspek ay namemeke ng mga

dokumento.

Dahil dito, agad siyang nakipag-ugnayan sa NBI at bineripika sa mismong may-ari ng lupa kung totoong

kanyang ibinebenta ito pero laking gulat ni De Leon nang malamang walang siyang kapatid na Minda at hindi ibinebenta ang kanilang lupa.

Kaagad na nagsagawa ng entrapment operation ang mga otoridad sa pamamagitan nang pagbibigay sana sa

kulang pang bayad na umaabot pa sa P340,000 na sanhi ng pagkahuli ng dalawang suspek sa Caritan

highway.

Nabatid na nangupahan ng siyam na araw si Mangabat sa bahay ni Planta nang mawala ang titulo ng kanyang

lupa na maaring kinuha nito na siyang kinopya para manloko.