Dalawang bata ang naiulat na nasaktan matapos madaganan ng bumagsak na dingding ng kongkretong bahay dahil sa maginitude 6.4 na lindol sa Brgy. Centro 2, Calayan Cagayan.

Sa ulat ng Calayan Municipal Information Office, kinilala ang magkapatid na biktima na sina Cathy Dela Cruz, 13 anyos at Carmela Dela Cruz, 12 anyos na kapwa residente sa naturang lugar.

Sa inisyal na ulat ay nagkaroon ng bitak ang dingding ng bahay ng mga biktima at kalaunan ay nabagsakan sila kayat agad namang isinugod sa ospital at ngayon ay nasa maayos ng sitwasyon.

Nagdeklara na rin umano si Mayor Joseph Llopis ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas ngayong araw September 13, 2023 para sa isagawang inspeksyon sa mga gusali at mga paaralan para sa kaligtasan ng mga mag aaral.

Napaulat na nagkaroon ng malalaking bitak ang mga gusali ng Calayan High Scool main kaya ipinag-utos kaagad ni Mayor Jong Llopis ang pag-iinspeksyon dito.

-- ADVERTISEMENT --

Maalalang pasado 7:30 kagabi nang maramdaman sa Calayan ang malakas na lindol na naramdaman din sa iba pang bahagi ng probinsiya.

Una nang niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang isla ng Dalupiri, Calayan kahapon.