TUGUEGARAO CITY- Tatlong indibidwal na kinabibilangan ng dalawang binatilyo na umano’y ginagamit ng kanilang mga magulang ang nahuli matapos naaktuhan na nag-dedeliver ng mga iligal na pinutol na kahoy sa bayan ng Buguey,Cagayan.
Kinilala ang mga nadakip na sina Rhusel Helo, 19-anyos, kasama ang estudyanteng sina 14-anyos at 16-anyos, pawang mga residente sa Barangay Sta. Isabel.
Ayon kay PMSgt. Loreto Bis ng PNP-Buguey, naaktuhan ang tatlo na nagbibiyahe ng 209 boardfeet ng white lawan lumbers na nagkakahalaga ng mahigit P8,000, gamit ang kulung-kulong sa Baragay Villa Gracia noong Linggo, September 1.
Matapos ma-inquest, ay napalaya sa utos ng korte ang 14-anyos na suspek na isinailalim sa counselling habang nasa kostodiya pa ng pulisya ang 16-anyos hatang ang isa pa ay nahaharap sa kasoang paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.
Nabatid na ang mga magulang ng mga nahuli ang siyang namumutol ng mga kahoy sa mga bundok na nakararating pa hanggang sa Sierra Madre.
Sa ngayon ay patuloy na nakikipag-ugnayan ang pulisya sa mga magulang ng mga menor de edad na suspek.