Pinagbawalan ng mga opisyal ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang dayuhan na makapasok sa bansa dahil sa kanilang record na nahatulan sa kasong panggagahasa.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang dalawa na sina Charles Henry Gabler, 52, ng Ireland, at American Mark Halligan, 29, na kapwa naharang sa NAIA Terminal 3.

Pinabalik si Gabler noong June 23 nang dumating siya sakay ng United Airlines flight mula sa Guam, habang si Halligan ay naharang nang dumating siya sakay ng Emirates flight mula sa Dubai.

Batay sa records, ito na ang ikalawang pagkakataon na naharang si Gabler sa paliparan at ang unang pagtatangka na makapasok sa bansa ay noong November 22, 2022.

Nahatulan si Gabler noong 2012 sa panggagahasa sa 16 na taong gulang na dalagita.

-- ADVERTISEMENT --

Batay naman sa US records, nahatulan si Halligan sa kasong panggagahasa sa isang 20 years old noong 2020.

Binigyan diin ni Tansingco na off-limits ang lahat ng dayuhang sex offenders sa Pilipinas.