
Dalawang gintong medalya ang nasungkit ng Tuguegarao City sa nagpapatuloy na batang pinoy 2025 na ginaganap sa General Santos City.
Ayon kay Rey Ferrer, sports coordinator ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao na unang nakuha ni Mary Ryan Francesca Ramirez ang gold medal sa Jiu-Jitsu female category.
Habang ang ikalawang gintong medalya ay nasungkit ni Jude Santos III sa Jiu-Jitsu male category ngayong araw.
Sinabi ni Ferrer, 26 na atleta mula sa lungsod ang sumasabak sa ibat ibang event gaya ng swimming, taekwando, jiu jutsu, sepak takraw at basketball 3×3 sa Batang Pinoy 2025.
Umaasa si Ferrer na madadagdagan pa ang gintong medalya ng Tuguegarao hanggang sa matapos ang kompetisyon sa ika-31 ngayong Oktubre.
Wala naman aniyang naging problema sa mga atleta na suportado ng LGU- Tuguegarao.










