TUGUEGARAO CITY-Nagkainitan ang dalawang gubernatorial candidate sa Cagayan sa issue ng black sand mining sa lalawigan sa Debate sa Bombo Radyo.

Ito ay matapos na tanungin ni Congressman Randy Ting si Dating Governor Alvaro Antonio kung bakit pumayag siya ng magkaroon ngh black sand mining noong panahon niya bilang gobernador na dahilan ng erosion umano ng ilang coastal towns.

Binigyan diin naman ni Antonio na siya ang nagpatigil ng black sand mining.

Tinawag din niyang sinungaling si Ting sa pahayag nitong may mga erosion sa ilang bayan sa lalawigan.

Tinig nina Antonio at Ting

Samantala,binanatan din ng dalawa si Governor Manuel Mamba sa hindi niya pagdalo sa debate.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Antonio nna takot umano si Mamba na malaman ng publiko ang kanyang mga ginagawa na kontra sa Cagayan at sa mga Cagayano

Ayon naman kay Ting,magaling lang umanong magsalit si Mamba na mag-isa subalit takot na makaharap ang kanyang mga katunggali

muli sina Antonio at Ting