TUGUEGARAO CITY-Posible umano na mga miembro ng New People’s Army ang nagtangkang manununog sa dump truck at backhoe ng isang Chinese company sa ginagawang Chico River Irrigation Pump Project sa Pinukpuk, Kalinga.
Sinabi ni Brigadier General Henry Doyaoen ng 503rd Infantry Brigade na ito ay base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP.
Subalit,sinabi ng opisyal na iniimbestigahan pa ang nasabing insidente matapos na may nakitang mga bakas ng paa ng dalawang tao sa lugar.
Ayon kay Doyaoen,tanging mga upuan ng dalawang equipment ang nasira matapos na agad na rumesponde ang mga otoridad nang itawag ito sa kanila ng security guard na nagbabantay sa lugar.