Huli ang dalawang indibidual sa dalawang magkahiwalay na drug buy-bust operation na isinagawa ng kapulisan ng Cagayan kahapon.

Muling nahuli ang isang high value target (HVT) at third-time offender sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Buntun, Tuguegarao City na si alyas Jake, 40-anyos, residente ng lungsod.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na buy-bust item at anim pang sachet ng droga at ilang drug paraphernalia.

Matagumpay naman na nahuli sa operasyon ng mga awtoridad ang kinilalang si alyas Raffy, 24-anyos, matapos bentahan ang nagpanggap na buyer sa Brgy. Iraga, Solana, Cagayan.

Nakumpiska mula kanya ang tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu.

-- ADVERTISEMENT --

Nakatakas naman ang kanyang kasama na kinilalang si alyas Leroy.