Passable na ang dalawang kalsada sa Nueva Vizcaya matapos maiulat na nagkaroon ng landslide habang tatlo pang kalsada ang hindi madaanan dahil sa epekto ng bagyong Carina .
Ayon kay Maricel Acejo information officer ng DPWH Region 2, ang Pangasinan Road sa Sta.Fe at Nueva Vizcaya Benguet Road sa Cayapa ay 2 lanes passable na matapos magsagawa ng clearing operations.
Bagama’t ligtas na aniyang dumaan sa mga kalsada sa Nueva Vizcaya ay pinaaalalahanan parin ang mga motorista na dahan dahan sa pagmamaneho upang makaiwas sa anumang disgrasya lalo na at madulas pa ang daan dahil sa mga konting pag ulan.
Samantala, one lane lamang ang pwedeng daanan ng mga motorista sa mga kalsada sa Brgy.Alba Baggao, Brgy.Nakanmuan at Brgy Malacdang sa Batanes matapos na may gumuhong slope protection at cave-in road base.
Nilagyan na ng distrito ng warning signs ang mga nasabing lugar para sa mga motorista habang nakastandby rin ang mga disaster and incident management sa region 2 sakaling magkaroon uli ng landlside.