Nasa kustodiya na ng Philippine National Police ang dalawang katao na ikinokonsidera na missing links sa nawawalang mga sabungero.
Kinilala ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo ang dalawa na mga kapatid ni co-accused at whistleblower na si Julie Patidongan, alyas Totoy.
Sinabi ni Fajardo na naaresto ang dalawa sa isang bansa sa Southeast Asia at ibiniyahe sila pabalik ng bansa noong July 22.
Ang isa sa mga naaresto ay ang nakuha umano ng CCTV footage na naglalabas ng pera mula sa ATM card ng isa sa missing sabungeros.
Habang ang isa naman ay nakitang escort ng isang biktima umano ng pagdukot.
Naaresto ang isa sa mga ito dahil sa arrest warrant sa kasong robbery, habang ang isa naman ay dahil sa paggamit ng ibang pangalan sa kanyang pasaporte.
Ayon sa PNP, lehitimo ang pag-aresto dahil sa may koordinasyon ang operasyon sa Bureau of Immigration.