TUGUEGARAO CITY- Nasa proseso na umano ang pagbuo ng 5th Infantry Division Philippine Army ng karagdagang infantry battalion.

Sinabi ni Major General Pablo Lorenzo, commanding officer ng %th ID na layunin nito na mapalakas ang kampanya ng kasundaluhan laban sa insurgency.

Dahil dito, sinabi ni Lorenzo na mangangailangan sila ng mahigit 1,000 na mga bagong sundalo.

Kaugnay nito, sinabi niya na aprubado na ang kanilang kahilingan na recruitment para sa mga nagnanais na maging sundalo.

Ayon sa kanya, ngayong buwan ay magkakaroon sila ng pagsusulit para sa mga nagnanais na maging kawal ng pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --