Dalawang insidente ng pagkalunod ang naiulat sa probinsya ng Cagayan kahapon, ika-18 ng Abril 2025.
Unang naiulat ng Tuao Police Station ang pagkalunod ng isang 57-anyos na lalaki, isang magsasaka at residente ng Tuao.
Ayon sa imbestigasyon, nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang biktima nang tumalon sa ilog, sa kabila na hindi siya marunong lumangoy.
Kaagad siyang isinugod sa Nuestra Señiora De Piat Hospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.
Ang insidente ay itinuturing na suicide by drowning.
Samantala, sa Brgy. Dodan, Peñablanca, isang walong taong gulang na lalaki ang naiulat na nawawala matapos pumunta sa ilog upang sundan ang kanyang ama.
Matapos ang mahigit walong oras na paghahanap, natagpuan ng isang volunteer ang kanyang katawan sa ilalim ng tubig bandang 8:50 ng gabi.
Kaagad siyang isinugod sa Cagayan Valley Medical Center ngunit idineklara ring patay bandang 9:45 PM.
Facebook Page: Cagayan Police Provincial Office
Date: April 19, 2025