Patay ang dalawang katao at 27 ang nasugatan matapos na mahulog sa bangin ang isang bus na lulan ng mga estudyante sa bayan ng Dumingag, Zamboanga del Sur kaninang umaga.

Ang mga estudyante ay mula sa bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte at papunta sana ang mga ito sa Pagadian City, kung saan karamihan sa kanila ay dadalo sana sa aktibidad kasama ang Reserve Officers Training Course (ROTC) ng militar.

Sinabi ni Ronnie Villanueva, provincial disaster risk reduction and management officer ng Zamboanga del Sur, nangyari ang insidente sa Barangay Mahayahay sa bayan ng Dumingag.

Ayon kay Villanueva, patay na nang makuha ang isang estudyante habang ang isa pang biktima na may edad na ay dinala sa pagamutan subalit binawian din ng buhay.

Batay sa paunang ulat ng mga awtoridad, ang Rural Transit bus ay may lulan na 40 pasahero mula sa bayan ng Sindangan.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi coordinator ng National Service Training Program (NSTP) sa nasabing bilang, 29 ang estudyante ng St. Joseph sa Sindangan papunta sa Pagadian City

Subalit sinabi ng coordinator na hindi niya alam kung anong aktibidad ang dadaluhan ng mga nasabing estudyante.