Sumadsad ang isang cargo plane sa runway sa Hong Kong International airport at dumiretso sa dagat.
Nabangga ng eroplano ang isang patrol car, na nasa labas ng runway, kung saan dalawang ground staff ang namatay.
Ang mga namatay ay airport security personnel, edad 30 at 41, matapos na itinulak ng eroplano ang kanilang patrol car hanggang sa tubig.
Sa ngayon ay nakalutang pa sa dagat ang Boeing 747-481, na nahati sa dalawa.
Nakaligtas na naman ang apat na crew ng eroplano.
-- ADVERTISEMENT --
Galing ang Emirates flight EK9788 mula sa Dubai.
Sarado ngayon ang timog na bahagi ng runway, subalit operational ang dalawa pang runway ng paliparan.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na may namatay sa katulad na insidente buhat nang buksan ang paliparan noong 1998.