Kinuha na ng kanilang mga pamilya ang mga labi ng dalawang lalaki na namatay matapos ang banggaan ng kanilang motorsiklo sa bayan ng Gonzaga, Cagayan noong January 13.
Una rito, sinabi ni PCPL Eufrasino Javier Jr. ng Gonzaga Police Station na hindi nakilala ang dalawa dahil sa walang nakita na Identification cards o iba pang dokumento para sa kanilang pagkakakilanlan.
Dinala ang dalawa sa Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital (APEMDH) ng mga rescuers subalit idineklara silang dead on arrival ng umasikasong doktor.
Sinabi ni Javier, lumalabas sa kanilang imbetigasyon na mabilis umano ang patakbo ng dalawang motorsiklo nang magsalpukan ang mga ito sa gitna ng national highway sa Barangay Rebecca.
Ayon kay Javier, dahil sa lakas ng impact ng banggaan, kapwa tumilapon ang mga sakay nito, kung saan nagtamo sila ng pinsala sa kanilang katawan.
Papunta sa Poblacion ang isang motorsiklo habang ang isa naman na mula sa opposite direction ay papunta sana sa bayan ng Santa Teresita.