Patay ang dalawang katao matapos ang pagsabog sa Dagupan City kagabi.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Dagupan City, ang insidente, na inilarawan na napakalakas na pagsabog ay iniulat ng 7:49 kagabi sa Sitio Boquig, Barangay Bacayao Norte sa nasabingg lungsod.

Ayon sa LGU, agad na rumesponde ang Bureau of Fire Protection-Dagupan sa sunog na resulta ng pagsabog.

Bukod sa mga namatay, dalawa pa ang nasugatan at agad na dinala sa pagamutan.

Kaugnay nito, sinabi ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez, na pumunta sa lugar kasama si Vice Mayor Bryan Kua para magsagawa ng assessment sa lugar, na ito ay isang trahedya.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Mayor Fernandez na matagal na nilang ipinapaala na magligtas ng buhay at iwasan ang paggamit ng mga paputok.

Dahil dito, binigyang-diin niya na paiigtingin nila ang pagpapatupad ng mga batas laban sa paggamit ng mga paputok, dahil hindi dapat na nakokompromiso ang buhay ng mga Dagupeño.

Kasalukuyan ang isinasagawang imbestigasyon sa sanhi ng nasabing insidente.