Patay ang dalawang participants sa mountain trail event sa Santo Tomas, Davao del Norte.

Batay sa initial investigation, isa sa mga biktima ang nahimatay sa event at agad na dinala sa ospital, subalit kalaunan ay idineklara siyang patay na.

Samantala, ang isang participant ay nakitang walang malay nang marating siya ng rescuers lugar.

sa press statement, sinabi ng Santo Tomas Municipal Police Station, iniulat na nawawaqla ang participant matapos na mabigong makabalik ng 12:30 p.m., kung saan nagsimula ang event ng 4:40 a.m.

Isinagawa ang joint search ang rescue operation ang mga barangay officials, personnel mula sa 56th Infantry Battalion, Philippine Army, at mga miyembro ng MDRRMO.

-- ADVERTISEMENT --

Nang matagpuan ang biktima, agad siyang dinala sa pagamutan, subalit idineklara siyang dead on arrival.

Ayon sa pulisya, batay sa medical findings, ang posibleng dahilan ng pagkamatay nito ay Traumatic Brain Injury (TBI), internal hemorrhage, at cerebrovascular accident, na posibleng dahil sa heat stroke na nagresulta sa atake sa puso.

Idinagdag pa ng pulisya na pinaniniwalaan na nakaranas ng heat stroke ang biktima habang tinatahak ang paakyat na terrain, na dahilan kaya nahulog siya sa bangin.