Dalawang katao ang patay at pito ang nasugatan matapos na bumagsak ang isang tulay sa expressway construction site sa South Korea kaninang umaga.
Ayon sa National Fire Agency, dalawa ang namatay, anim ang matindi ang pinsala habang isa ang nagtamo ng minor injury.
Hinahanap pa ng mga awtoridad sa isang katao na nawawala na natabunan ng mga guho.
Nangyari ang insidente sa Cheonan, nasa 82 kilometers o 51 miles sa timog ng Seoul.
Agad naman na ipinag-utos ni acting President Choi Sang-mok ang pagpapakilos sa lahat ng resources at mga tauhan para sa rescue operation.
-- ADVERTISEMENT --
Batay sa datos mula sa labour ministry ng Seoul, mahigit 8,000 work-related deaths ang nangyari sa bansa mula 2020 hanggang 2023.