Dalawang katao ang namatay at tatlo ang nasugatan sa pamamaril sa ice rink sa bayan ng Pawtucket sa Rhode Island sa Estados Unidos.

Ayon kay Tina Goncalves, police chief sa Rhode Island community, kabilang sa mga nasawi ay suspek, habang ang tatlong nasugatan ay ginagamot ngayon sa ospital.

Sinabi ni Goncalvez na batay sa initila investigations, na posibleng ang motibo sa pamamaril ay away sa pamilya.

Namatay ang suspek matapos magbaril sa sarili matapos ang ginawang pamamaril.

Ang pinakahuling insidente ng pamamaril ay matapos ang nangyaring pamamaril sa Brown University, dalawang buwan ang nakalilipas sa timog ng Rhode Island, kung saan dalawang estudyante ang namatay at siyam ang nasugatan.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa Gun Violence Archive, ito ang pang-41 na mass shooting sa US sa unang 47 araw ngayong taon.