TUGUEGARAO CITY-Inaalam na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaki na nahukay sa Sitio Numpaling Namal,Asipulo,Ifugao na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ng New People’s Army.
Ayon sa 54th Infantry Battalion,Philippine Army, maaaring napagkamalan ng mga NPA na mga sundalo ang dalawa na umano’y nagtitinda ng ilang gamit tulad ng mga tolda at plainer.
Nadiskubre umano ng isang magsasaka ang mga nasabing bangkay habang siya ay naglilinis sa kakahuyan sa nasabing lugar.