Hinuli ng mga awtoridad ang dalawang lalaking Chinese dahil sa umano’y pamamaril sa isang Pinoy sa Makati City kagabi.

Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang mga suspek na sina “Xunjun,” 36, at “Liquan,” 44.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente kagabi malapit sa parking lot ng isang mall sa Barangay Pio del Pilar.

Sinabi ng SPD na ang biktima na isang Pinoy na kinilala na si alyas Christopher, 40,-anyos, ay nasa loob ng kanyang itim na Toyota Fortuner, at naghahanda na lumbas mula sa parking lot nang biglang pinaputukan umano siya ng mga suspek.

Nagtamo ng apat tama ng baril ang sasakyan, at masuwerte na hindi tinamaan si Christopher.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa SPD, iniimbestigahan pa nila ang motibo sa nasabing pamamaril, ang immigration status ng mga suspek, at posibleng kaugnayan nila sa organized crime groups.

Nakuha ng mga awtoridad sa operasyon ang caliber .40 pistol na may magazine, 9mm submachine gun na may dalawang loaded magazines, at apat na cartridge cases.

May nakita ring chef knives, isang tactival knife, fan knife, martilyo, duct tape, double-sided tape, at itim na bag.

Nasa kustodiya na ng makati police ang mga suspek habang hinihintay ang reklamo para sa attempted murder at paglabag sa Republic Act 10591, o ang Firearms and Ammunition Regulation Act.