TUGUEGARAO CITY- Depression at insomia at problema sa pamilya ang nakikitang dahilan ng pagbigti ng dalawang magsasaka sa Peñablanca at Gattaran, Cagayan kahapon.

Kinilala ni PMSgt. Gervacio Cornel ng PNP Peñablanca ang nagbigti sa kanilang bayan na si Romulo Cactimoso, 55, ng Brngy. Bical.

Sa naging pahayag ng pamilya ng biktima, may sakit umano siyang depression at insomia at lagi umano niyang sinasabi na magpapakamatay siya.

Kahapon ng umaga nang makita ng anak na nakabitin na sa kawayanan ang biktima.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Coronel

Samantala, nagbigti naman sa kusina ang isa pang magsasaka sa Gattaran dahil sa problema umano sa kanyang pamilya.

Ayon sa PNP, sinabi ng Jaime Battad, 22 ng Brngy. Mabuno na magpapakamatay siya kung hindi pa rin uuwi ang kanyang live-in partner at kanilang anak na one year old.

Una rito, umalis ang kanyang kinakasama kasama ang kanilang anak at pumunta ng Lasam at nangako na babalik noong September 8, 2019 subalit hanggang kahapon ay hindi pa bumabalik ang kanyang pamilya.

Dahil dito, lagi na umanong naglalasing ang biktima at sinasabing magpapakamatay na lang siya.

Hanggang sa makita ng ina na nakabitin na ang biktima sa kusina ng kapatid ng kanyang live-in partner.