TUGUEGARAO CITY-Ipinapasakamay na ng PNP ang kaso ng dalawang Marine Corporal na nahuli na nagsasabong sa Tuguegarao City.

Sinabi ni Police Lt.Isabelita Gano ng PNP Tuguegarao na nasa kostodiya ngayon ng PNP Cagayan sina Marine Corporals Jefferson Calagui na nakatalaga sa Department of Foreign Affiars-Manila at John Mary Barsabal na nakadestino naman sa Upi,Maguindanao,kapwa residente ng Cataggaman Nuevo Tuguegarao.

Ayon kay Gano,agad na nagtungo ang mga pulis sa sabungan ng may mabsumbong sa kanila na may pumasok na dalawang lalaki sa sabungan na ang isa ay may nakasukbit na baril sa kanyang baywang.

Nang sitahin ang dalawa ay nagpakilala pa umano silang mga CAFGU hanggang sa malaman na sila ay miembro ng AFP.

Nakuha sa pag-iingat ni Calagui ang kanyang baril na kumpleto naman sa mga dokumento subalit batay sa batas, bawal na dalhin ang mga armas sa mga katulad na mga establishimento.

-- ADVERTISEMENT --