Isa sa apat na mga bata na edad lima pababa sa buong mundo kabilang ang tinatayang 2 million sa Pilipinas ang nakakaranas malalang food poverty.

Ito ay batay sa bagong pag-aaral ng United Nations Children’s Fund (Unicef).

Ang 92-page report na pinamagatang “Child Food Poverty: Nutrition Deprivation in Early Childhood” ay nagbabala na ang mga nasabing bata ay hindi maaabot ang tamang paglaki at development dahil sa kakulangan sa access sa masustansiya na diet.

Ito ang unang global report na nagsagawa ng pagsusuri sa impacts at dahilan ng kakulangan sa masustansiyang diet sa pinakabatang mga mamamayan sa halos 100 na bansa sa mga income groups.

Ayon sa report, 440 million na mga bata ang mahirap sa pagkain kung saan 181 million na mga bata o 27 percent ang malalang mga kaso.

-- ADVERTISEMENT --

Sinusukat ang child food poverty batay sa dietary diversity scores ng Unicef at World Health Organization.

Upang matugunan ang dietary diversity para sa malusog na paglaki at development, kailangan ng isang bata na kumain ng kahit lima sa walong tukoy na mga pagkain tulad ng breast milk, grains at roots, nuts at seeds, dairy products, flesh foods tulad ng karne, isda at manok, itlog, mayaman sa Vitamin A na mga prutas, at ibang gulay.

Kung dalawa mula sa mga nasabing pagkain ang kinakain ng isang bata, sila ay ikinokonsidera na nasa severe food poverty.

Sa kabila ng pagsisikap ng pamahalaan para mabawasan ang stunting o pagkabansot at wasting o mababa ang timbang, napabilang ang Pilipinas sa 20 bansa na may malalang antas ng child food poverty.

Ang iba pang bansa ay ang Afghanistan, Bangladesh, China, Côte d’Ivoire, the Democratic Republic of the Congo, Egypt, Ethiopia, Ghana, India, Indonesia, Myanmar, the Niger, Nigeria, Pakistan, Somalia, South Africa, Uganda, the United Republic of Tanzania and Yemen.

Ipinunto rin sa report na mataas ang pagkain ng unhealthy food products sa Pilipinas, kung saan mahigit isa sa limang bata ang kumakain ng hindi masustansiyang pagkain o umiinom ng matatamis na inumin.

Gayonman, kinilala ng Unicef ang progreso ng Pilipinas sa 2023-2028 Plan of Action for Nutrition na may layuning mapataas ang consumer demand para sa malusog na diets at mapabuti ang access sa sapat, akma sa edad, ligtas, at sustainable diets.