Nahuli ng militar ang dalawang miyembro ng New People’s Army na kabilang sa natitirang miyembro ng nabuwag na Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KRCV) sa Brgy. Dicamay 2, Jones, Isabela, matapos ang engkwentro dakong 6 a.m. kahapon.
Ayon sa 86th Infantry Battalion, isang concerned citizen ang nagbigay impormasyon sa kinaroroonan ng grupo kung saan agad itong tinugunan ng mga sundalo.
Sa pagpatrolya ng Highlander Battalion nakasagupa nila ang grupo at dalawang rebelde ang kanilang nahuli.
Kasalukuyan pang inaalam ang kanilang pagkakakilanlan.
Nakuha sa lugar ang mga improvise explosive device, magazine, bala, at personal na gamit.
Kaugnay nito, muling nanawagan si MGen. Gulliver Señires, 5ID Commander, sa mga natitirang miyembro ng KRCV at ICRC na magbalik-loob na sa pamahalaan at tiniyak niyang maibibigay sa kanila ang mga kaukulang mga benepisyo at mga programa ng gobyerno.