TUGUEGARAO CITY- Inaalam na ng PNP kung tunay na mga miembro ng New Poeople’s Army ang isang lalaki at babae na nangikil sa ilang sari-sari stores ng mga food items at condiments sa Gattaran, Cagayan.
Sinabi ni PMAJ Edwin Aragon, hepe ng PNP Gattaran na hinihintay na nila ang ginawang intergoasyon sa dalawa na hindi na pinangalanan matapos na magpakilala na mga NPA upang malaman ang tunay nilang pagkatao.
Ayon kay Aragon, mga miembro ng 17th Ifantry Battalion ang nakahuli sa dalawa sa Brgy. Tanglagan.
Sinabi ni Aragon na ginawa ng dalawa ang pangingikil sa Brgy. Mabuno at lumipat sa Tanglagan na magsasagawa rin sana ng pangingikil.
Nabatid pa mula kay Aragon na miembro ng LGBT ang lalaki.
Ang isa ay mula sa Baggao habang ang isa pa ay mula sa Gattaran.
Sinabi pa ni Aragon na kasong robbery with intimidation ang isinampa laban sa dalawa.