TUGUEGARAO CITY-Patuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng AFP sa armadong grupo na nakaengkwentro ng militar kahapon sa Jones,Isabela.

Sinabi ni Col. Laurence Mina ng 502nd Infantry Brigade na dalawang miembro ng umano’y NPA ang namatay sa nasabing engkwentro.

Ayon kay Mina,isa ring sundalo ang nasugatan sa labanan.

Nangyari ang engkwentro matapos na magsagawa ng operasyon ang mga sundalo kasunod ng pagbaril-patay sa isang sundalo noong May 7 sa San Sebastian,Jones.

Kinilala ni Mina ang namatay na sundalo na si PFC Bong Sipagan ng Brngy.San Guiillermo at isang CAFGU ang nasugatan

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi pa ni Mina na nakuha sa encounter site ang mga naiwang backpack ng mga tumakas na armadong grupo na naglalaman ng mga campaign materials ng ACT

Partylist,Gabriela,Kabataan,Bayan Muna,ilang kandidato na sina Neri Colmenares,Lanie Uy, at Gaylord Gumpal.

Kabilang din aniya sa mga nakuha sa lugar ang ilang uniporme ng militar,m16 rifle at mga bala, mga supersibong dokumento at ilang kagamitan.