
Tuluyang sinibak sa serbisyo ang dalawang opisyal at limang pulis ng PNP-10 matapos mapatunayang nagkasala sa kasong Grave Misconduct.
Kabilang sa mga tinanggal sa hanay ng kapulisan ang isang Police Major, isang Police Captain, isang Police Staff Sergeant, at apat na Police Corporal.
Bilang bahagi ng parusa, kinansela ang kanilang eligibility, isinailalim sa forfeiture ang kanilang mga benepisyo sa pagreretiro, at ipinataw ang habambuhay na diskuwalipikasyon sa muling pagpasok sa anumang posisyon sa pamahalaan.
Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ng Human Rights kaugnay ng umano’y maling pag-aresto sa mga indibidwal na hindi totoong suspek, na tinaguriang mga “fall guys,” sa insidente ng robbery sa loob ng Gaisano Mall sa Ozamiz City.







