
Nagpadala ng feelers para sumuko ang dalawa sa tatlong at-large officials ng Sunwest Construction and Development Corporation, ayon sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group.
Sinabi ni PNP-CIDG Acting Director Police Major General Robert Alexander Morico II sa press conference na natatakot umano ang dalawa dahil wala silang abogado.
Ipinaliwanag niya na ang tatlo na hinahanap ay may mataas na posisyon sa kumpanya subalit dummy lamang sila kaya wala silang pera at kakayahan na magbayad ng abogado.
Ayon kay Morico, ang mga kamag-anak ng dalawa ang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad.
Gayunpaman, ipinaalala niya sa mga akusado na hindi makapaghintay ang CIDG dahil may inilabas na arrest warrant laban sa kanila.
Tumanggi si Morico na pangalanan muna ang dalawa na nagpadala ng surrender feelers.
Matatandaan na pumunta sa isang hotel sa Pasay City ang PNP-CIDG at National Bureau of Investigation para isilbi ang arrest warrants laban kina Consuelo Dayto Adon, Anthoni Li Ngo, at Noel Yap Cao, pawang mga
miyembro ng Board of Directors ng SunwestSunwest.










