Idinawit ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang dalawang undersecretaries ng gobyerno sa umano’y paggamit ng pangalan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang makakuha ng kickback mula sa mga inilagay na pondo sa 2025 national budget.

Ayon kay Lacson, sina DepEd Undersecretary Trygve Olaivar at PLLO Undersecretary Adrian Bersamin ay diumano’y nag-organisa ng scheme na nagkakahalaga ng P100 bilyon, kung saan P52 bilyon ang umano’y nakuhang kickback.

Karamihan sa pondo, P81 bilyon, ay nakalaan sa Department of Public Works and Highways, habang P19 bilyon ay para sa iba pang ahensya.

Batay sa impormasyon ni Public Works Undersecretary Roberto Bernardo, ilang deliveries ng pera ang isinagawa mula Marso hanggang Abril 2024, gamit ang armored vans, na pinaniniwalaang hindi alam ng Pangulo.

Nilinaw ni Lacson na hindi totoo ang alegasyon na personal na natanggap ni Pangulong Marcos ang bahagi ng kickback.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, may mga opisyal lamang sa Palasyo ang diumano’y nagmisrepresenta ng awtoridad ng Pangulo.

Ang iskandalo ay nagdulot ng kawalang-katiyakan sa ekonomiya, kabilang ang pagbaba ng stock market at pangamba ng mga investors.

Binibigyang-diin ni Lacson ang pangangailangan na managot ang mga opisyal at itigil ang pang-aabuso sa pondo ng bayan.