TUGUEGARAO CITY-Inihayag ni Apayao Governor Eleanor Begtang na hanggang ngayon ay hindi pa nakukuha ang bangkay nina Board Member Chito Mangalao at Pcpl. Romel Gumidam na natabunan ng landslide sa Kabugao.
Sinabi pa ni Begtang na tuloy-tuloy ang clearing operations sa mga landslides subalit nagiging maingat din ang ginagawang operasyon dahil sa pagragasa ng mga putik at mga bato kapag bumubuhos ang ulan.
Kaugnay nito, sinabi ni Begtang na ito ang kauna-unahang pagkakataon na naranasan ng malaking bahagi ng Apayao ang matinding pagbaha at mga landslides.
Sa ngayon ay bahagyang humupa ang buhos ng ulan at unti-unti na ring bumababa ang tubig-baha sa mga apektadong lugar sa Cagayan at Apayao.
Samantala, sinabi ni PLC. Roderick Condag ng PNP Apayao na pahirapan ang retrieval operation sa bangkay sa board member at pulis dahil sa mga landslides at aabutin ng anim na oras bagong marating ang ground zero.
Kasabay nito, nilinaw ni Condag na ang missing ay hindi ang treasurer sa Apayao na si Saring Carag ang missing sa halip ay isang James Carag ng Brngy.Paragao, Kabugao.