Hindi umano naimbitahan ang dalawang gymnast ng Pilipinas na sina Aleah Finegan at Emma Malabuyo sa nangyaring heroes’ welcome para sa mga atletang Pilipino na sumabak sa Paris Olympics.

Sa kanyang tiktok account, natanong si Finnegan kung bakit wala siya sa ginawang heroes’ welcome sa Malakanyang noong Agosto 13 at heroes’ parade noong Agosto 14.

Sagot ni Finnegan, hindi umano siya naimpormahan.

Natanong din si Malabuyo kung bakit hindi siya sumama sa Malakanyang. Ayon kay Malabuyo, hindi rin siya nasabihan tungkul dito.

Ang dalawang Pinay gymnast ay gumawa ng kasaysayan bilang mga unang babaeng Filipino gymnast na sumabak sa Olympics sa loob ng anim na dekada. Kasama nila ang kapwa gymnast na si Levi Jung-Ruvivar.

-- ADVERTISEMENT --

Maalalang pagdating ng mga Pinoy Olympians sa Pilipinas ay agad silang nagtungo sa Malakanyang upang makaharap sina PBBM at ang First Family.

Bawat Olympian ay binigyan ng Office of the President ng tig 1 Million.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag ang Philippine Olympic Committee ukol dito.