Ipinasara ng mga awtoridad ang dalawang pinaghihinalaang Philippine offshore gaming operators (Pogos), isa sa Bataan at isa sa Manila.

Sinalakay kahapon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspected Pogo compound dahil sa umano’y human trafficking sa loob ng freeport na pinapatakbo umano ng isang Malaysian sa Parang, Bagac, Bataan.

Una rito, inaresto ng National Bureau of Investigation ang 18 Chinese nationals na nagpapatakbo ng umano ay “scam hub” sa Parañaque City, na pinaghihinalaan na mas maliit na Pogo na mula sa malalaking pasilidad.

Tinangka umano ng isa sa mga suspect na suhulan ang isa sa agents habang sila ang ibinabiyahe sa NBI Office sa Quezon City, kung saan nag-alok ito ng P300,000 sa bawat operatiba.

Ang mga respondents sa umano ay human trafficking ay kinabibilangan ng apat na Malaysians, 10 Chinese at isang Thai.

-- ADVERTISEMENT --