TUGUEGARAO CITY-Nakalabas na ng pagamutan ang dalawang pulis na babae matapos na sila mahimatay sa Tuguegarao City.

Ayon sa PNP Tuguegarao,kasalukuyan umano ang ang Civil Disturbance Management formation ng 44 na pulis sa Brngy.Ugac Sur para sa isang kompetisyon nang mahimatay sina Patrolwoman Mariel Taguinod,28 at Police Staff Sgt. Grace Paiste.

Sinabi ng duktor na umasikaso sa dalawa na nahimatay ang mga ito dahil sa matinding init ng panahon.

Ayon naman sa PAG-ASA,naitala ang 37°C na temperatura at tinatayang nasa 41°C ang heat index sa Tuguegarao City kahapon .