Naghain ng panukalang batas si Senador Juan Miguel Zubiri na naglalayong ipagbawal ang lahat ng anyo ng online gambling sa bansa, habang si Senador Sherwin Gatchalian naman ay naghain ng panukala na naglalayong pagbawalan ang paggamit ng e-wallets sa online sugal.

Ayon kay Zubiri, mas mapanganib na ngayon ang online gambling dahil madali itong ma-access kahit sa loob ng mga tahanan, sa kabila ng mga naunang hakbang ng pamahalaan laban sa mga Pogo.

Saklaw ng panukalang Anti-Online Gambling Act of 2025 ang pagbabawal sa mga digital betting platforms, mobile apps, at websites na tumatanggap ng pusta gamit ang cellphone, tablet, o computer.

Nakasaad din sa panukala na kailangang i-block ng mga internet service providers, mobile network operators, at digital platforms ang access sa mga gambling site at alisin ang mga kaugnay na apps sa loob ng 72 oras mula sa abiso ng DOJ o Pagcor.

Bukas ang Pagcor sa pagpapatupad ng mas mahigpit na regulasyon laban sa online gambling.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa Malacañang, nasa 7,000 ilegal na gambling sites na ang na-block.

Sang-ayon si Senador JV Ejercito sa mas mahigpit na kontrol, lalo na sa e-sabong at iba pang online sugal, at sinabing dapat pigilan ang paggamit ng e-wallets para dito dahil sa masamang epekto nito sa lipunan.