TUGUEGARAO CITY-Iniimbestigahan na ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog kagabi na nagbunsod sa pagkatupok ng dalawang stall sa Balzain, Tuguegarao City kagabi.

Sinabi ni FCI Jay-R Guilliano, fire marshall ng BFP Tuguegarao na isa sa kanilang tinitignan na sanhi ng sunog ay faulty electrical outlets sa isang stall na nagbebenta ng mga electrical supplies, amplifiers at videoke.

Ayon sa kanya, nadamay din na nasunog ang katabi nitong stall na tindahan ng tinapay.

Sinabi ni Guilliano na pagmamay-ari ni Ginoong Romulo Balatico ang dalawang stall.

Ayon sa kanya, batay sa pahayag ni Balatico ay nasa P600, 000 ang danyos sa nasabing mga stalls.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Guilliano na agad silang rumesponde ng may tumawag sa kanila ukol sa sunog ng 8:28 kagabi at nakarating sila sa lugar ng 8:32 kung saan naapula ang apoy ng 9:00 pm.